isang pilipino at ang banyagang tarantado

Posted: June 12, 2012 in POETRY, RANTS
Tags: ,

20120612-234628.jpg

Para sa mga banyagang puro dada, puso satsat, wala namang gawa
Kumilos ka muna bago ka kumutata
Kung tingin mo sa lahi ko ay panay alipin at timawa
Magisip kang muli kaibigan, gamitin ang pinagaralan.

Akoy muling sumusulat, kailangan ninyo kasing mamulat
Na kaming mga Pinoy, hindi tarantado lahat
Alam naming may mali sa pamamalakad, sa bansa naming ubod sadsad
Pero pinipilit naming bumangon, ibinabalik ang pangarap noon.

Ang bawat tingin niyo sa’miy saksak, para bang ako’y isa lang palasak
Nagkakamali ka ng pagkakakilanlan, ako din nama’y mabuting kaibigan.
Tingin ng iba ninyo sa ami’y salot, mangaagaw ng trabaho, ang iba, haliparot.
Opinyon niyo yan, hindi ko kayo pipigilan, pero ngayon, makinig kayo, bunganga ko naman.

Mura man ang bayad sa serbisyo namin, hindi ibig sabihin, kami’y tamad na rin.
Tingin niyo ba, pipili ang mga kumpanya ng taong hindi angkop sa posisyon niya?
Nakikita niyo kasi inaagawan namin kayo ng trabaho, paano kayo uusad, eh puro kayo reklamo?
Tanggalin ang mga banyaga sa inyong bansa, sa tingin niyo, kayo’y giginhawa?
Puros kayo dada, wala namang gawa, panay ang tunganga tapos maninira?
Dyan kayo magaling, sarap niyong itali sa baging.

Sa tuwing makikita niyo kaming nagmamagaling, kalimitan, totoo naman din.
Kung ikukumpara sa inyo, aba, oo.
Paano, ang inyong talino, walang kasamang respeto.
Kayo na ang magaling, kayo na ang mayaman, kami naman ay sanay sa kahirapan.
Kaya naming mabuhay sa kamatis at tuyo, hindi tulad ninyong ang nais lamang, bulsa’y mapuno.
Sa inyong palagay, kapag ang inyong bansa ay biglang humandusay, kanino kayo muling tatakbo, hindi ba sa aming inyong mga kapitbahay?

Madami pa akong bala sa inyong mga banyaga, pero hanggang dito na muna ang aking pagpuna.
Baka naman kapag ako’y kumutata pa, bukas, ako’y damputin na sa rehas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s